Friday, August 20, 2010

ang haligi ng tahanan.

1 comments
hello philippines!!! matagal tagal na din akong di nakakapag blog at dahil na pressure ulit ako kay ungaz na ginawang daily habit ang pagbblog na
nakakaloka... bongga ka neng!
well, biglang kong narealize na
may everyday stressor na pala ako... lol..  siguro na-immune nalang ako sa kanya... siya ay ang aking daddy.
nung batang diva pa lang ako, strict na sya., sya ang nagtuturo sa akin kung paanong maging tibo..
kasi nga militar and everything, tinuruan nya akong magbasketball at maging farming diva.
oo!!! nagtatanim ako nuon literal ng palay sa ikabubuhay ng pamilyang pilipino
after 20 years of service nagretire na si daddy sa pagiging philippine navy at duon ako natakot, kasi close monitoring na ako.
baka sumama sa mga booking ko, maagawan pa ako!
after his retirement, naramdaman kong parang nagretire na rin sya sa pagiging ama namin at asawa sa aking ina.
minsan nya nalang pinararamdam na ama namin sya sa pagbibigay ng datung!! lol.
unang revolution nya ay nambabae sya... syempre, nung nalaman ni mother E yun, ayun sinugod ang bitch at no one knows where she is right now!!!
gow mom!!! lol... then another burden to us is that, palaging sugal na ang inaatupag nya... pero pera nya naman yun...
si mommy lang nagpapaaral sa aming tatlo, at si daddy yung pera nya, sa manok nya at sa kanya lang... minsan iniisip ko na kapag kailangan
nya na ng tulong namin, idadala ko yung mga manok nya para mag BP sa kanya at mag regulate ng IV nya.. ewan nalang. goodluck sa manok nya.
gusto ko nga minsan ipachooks to go ang mga manok nya. at eto pa!!! hirap na hirap syang magbigay ng pera sa amin
pero pag gastos sa mga manok nya, ang bilis!!!
palagi nya akong sinasabihan ng tamad at magastos, oo inaamin ko yun pero sino mas magastos at tamad sa aming dalawa???
minsan gusto ko na syang kausapin because i am a hero pero minsan baka ma ultimo adios ako
baka bigla nalang akong barilin. hahahaha. buti nalang may blogspot... dito ko nailalagay ang mga saloobin ko..
mahirap on my mom and siblings part, kasi nakaprogram na palagi utak nya... bahay sabungan, bahay tongits... at eto pa, ayaw ipagamit ang car ko dahil
matakaw daw sa gasolina, pero sya pupunta lang ng sabungan naka kotse pa... power talaga!!!
dun nawala ang respeto ko sa tatay ko. wala na. kung baga, appear, disappear, one half, one fourth
pero sana someday biglang magdisappear appear ulit.. sana... Lord help us...
i'm just hoping ate charo na sana bigla nalang syang magbago, dahil walang may lakas ng loob sa amin na gawin ang nararapat.

Wednesday, August 4, 2010

flush flush

2 comments
unang duty ko sa OR complex at sa OR kaming mga Diva
kaya inunahan ko na ang manok sa pagtilaok upang makarating agad sa syudad.
dun kami magkoconcert ever ng mga bekiness.
nag pahatid ako kay papang sa ramstar na kung saan mala airplane ang experience kapag dun ka sumakay.
6:30am palang ay nasa syudad na ako ng cabanatuan. lumipad ako agad sa hospital upang tumaas ang
XP level ko sa pagiging nurse. pagdating ko duon ay nag vovocalization na agad si dee dee at si dennis.
nagkita kita na din ang ibang mga Diva sa hospital at duon kami'y namayagpag.
di ko na pinansin ang ibang diva dahil ako naman ang queen of all Diva kaya dedma lang ako,
hinayaan ko na ding umeksena sila dahil wiz ko type umeksena sa OR complex. nag umpisa na ang forever orientation
by our EVER energetic Clinical instructor, none other than Sir Licup!!! bago sya mag umpisa ako'y
pumunta muna sa eternal place of my life, Ang Comfort Room. kumaripas ako ng pag rampa na may halong hampas pa rin
sa balakang para fierce. at last dumating na ako ng CR. ni-lock kong mabuti para secured ang pepet ko. pagkatapos
ilabas ang aromatic odor of urine ay binuksan ko na ang CR. pero parang may mali! bakit hindi ko mabuksan
ang pintuan palabas ng eternal place. dito na ba ako forever? dito na ba ako magdduty? sinubukan kong maging kalmado
upang walang eksena sa araw na ito ngunit ayaw pa ring bumukas. humiga na ako para maabot ang butas ng door knob.
nag exhibition na ako, wala pa ring nangyari. kumatok na din ako sa loob baka sakaling may makarinig sa labas.
wala pa din. merong dumating!!! akala ko may tutulong na! pero ayun, inutusan lang ako:

kalokang nurse: may tao ba dito?
bamba: yes mam!!! mam nakulong po ako, help mam!!
kalokang nurse: ay oh? pakipasok nalang yung timba pag nabuksan nalang yan!
bamba: ???!!!???

kakalokang nursing intervention!!! makilala ko lang yung babaeng yun! bibigyan ko sya ng gingko biloba!
after 15 minutes of being prisoner of kubeta. naisip kong gamitin ang Cellphone ko (dun palang gumana ang ginko biloba)
tinext ko ang kapatid ni timmy na si kimmy na nasa ICU. so ayun, dun palang dumating ang rescue team.
akala ko naman pag dumating na ang rescue team ay safe na ako.
dumating ang rescue team at sabay sabay silang tumawa.
di din kasi nila mabuksan sa labas.
may nagsabi pang dun nalang daw ako dumaan sa ceiling.
naging hopeless na ako. pero hindi sumuko si timmy!!! gusto nya akong maka-alis!
so eventually nabuksan nila at sabay sabay silang nag palakpakan sa
paglabas ni maganda sa kawayan na kubeta.
hanggang dito nalang po ate charo. but before i end this letter i would like to thank the following!
first, OR Complex sobrang bago nyo talaga!!!
sa babaeng nag papasok ng timba!!! sa susunod ikaw na ipapasok ko sa kubeta!
timmy, dahil hindi mo napasin ang absence ko for 15 mins
kimmy, buti nalang maaasahan ka jan
at ate charo sa pagiging masugid kong tagabasa!!!

fiercefully yours,
bamba fierce the toilet diva!

Thursday, July 15, 2010

the dashing diva

2 comments
hindi ko alam kung bakit ang ganda ganda ko o sadyang alluring lang talaga ako!
parang ang kagandahan ko ay combination ni lady gaga, beyonce and snoop dogg.
ibang level! ganda ko kasi yung mga kalalakihan na talaga ang lumalapit sa akin.
kaloka, kahit mas malaki ang katawan ko sa kanila at minsan ay feeling ko ay mas gwapo pa ako,
sila pa din ang lumalapit o sobrang feeling ko lang talaga!
ngayong araw kasi na ito ay nagkita kami ni cramberry and 6*. pero nauna si cramberry!!!
sabi ko kasi sa kanya na mag ttry out ako sa volley ball at 100 meter dash, gusto ko kasing
kunin ang title ni Lydia de Vega na "the fastest pinay" pero pag ako naman ang nanalo sa
100 meter dash, ang gusto kong tawag ay "bamba, the dashing diva" para fierce!!!
kunwari nakita ka ng mga fans mo sa Pacific
fan1: oh my gush!!! its bamba!!!
fan2: where??? where's the dashing diva???
PAK!!!
ayun nga! lumitaw nang walang pakundangan si cramberry!
at ang nakakaloka pa, magttry out din sa volleyball!
nung na-sight ni dee dee at ni rica (the beki gurls)
si cramberry, jusko sila pa unang nag blush kesa sa akin.
mukhang kinilig ang mga beki na parang si loti sa princess sarah! pero si dee dee talaga!
hindi matatawaran ang kanyang pagkagalak! parang nagkaroon sya ng sliding hiatal hernia
nung na sight niya. pero syempre ako pasimple lang akong kinilig plus the usual
contraction and 10cm! nung dumating si cramberry, siya ang setter ako naman ang spiker,
si dee dee and rica taga cheer sa loob ng court na nag mistulang mga umpa lumpa
na nakikita natin sa chocolate factory ni charlie!
sa katarayan ng try out, di na ako dun nag focus.
nag focus nalang ako sa mga kalalakihan at sa mga beking uma-aura!
after nun, hinanap ko naman si mam Ana at mam rizelle para
mag try out muli para naman sungkitin ang
titulong dashing diva.
naghintay ako ng 30 minutes para hintayin ang kalaban ko.
kalaban kong yuyurak sa aking pagkatao, ang kalaban na gusto din maging dashing diva
at yun ay walang iba kundi si wilson! si wilson na kaklase ko!
si wilson na ang pangarap lamang ay makasali sa 100 meter dash.
si wilson na ang alam lamang ay ang pagtakbo.
inihanda na ni mam ana and mga kaukulang papeles upang maging katibayan
kung sinong tatahangling dashing diva.
at dun nagpakita sa akin si 6* na kinalabit nanaman ako sa likod
at nagwikang
6*: bamba, gamitin mo na ang protina!
bamba: hahaha!!! para sa iyo itong takbo kong ito!
6*: inspirasyon mo talaga ako. akala ko volley ball ka?
bamba: mamaya ulit! watch ka?
6*: sige, panuorin ka namin ni val

si val! si val, si val!
si val na kaklase nya, si val na palaging kumakain ng tuknene
si val na ang tanging alam ay mag alok ng tuknene sa akin!
sinimulan na ang patimpalak at pinanood ako ni 6*

ready, set, GO!!!
ginamit na ni bamba ang lahat ng kanyang kaalaman!!!
horsepower and protein power!!!
at sa bandang huli
its BAMBA the dashing diva!!!
i claimed the title!!!

after nun, nagkita kami ni 6* somewhere
Ate Charo: pak! pak! pak! sige, maganda ka na!!!

sincerely yours,
bamba fierce "the dashing diva"

Thursday, July 8, 2010

tuwing umuulan at kapiling ka!

0 comments
hindi ko pa nararamdaman ang iyong ipinadarama sa akin.
feeling ko, you make me feel like a natural woman! hindi ko mapigilan ito.
hay naku naman! i'm inlove with you. ganun nalang noh.
mabilis lang talaga akong ma-inlove.
ganito kasi yun! merong program sa school of Divas today.
syempre, ako na yata ang forever host dun which i love.
tapos si 6*, sabi nya punta daw sya at alam nya naman daw na sya ang aking inspirasyon ko.
oh well, ganun kasi kaming mag lokohan. pa-feelingan.
naiintindihan nya naman ako, kasi may kuya syang beki din.
kaya ayun, sabi nya gow daw sya tapos papanoorin nya akong mag host.
at kung papasa daw ba ako sa standards nya! hahahahaha...
sabi naman ni Bambading, " sige punta ka, pag ako napahiya, papachurva ka"
and ang usual nya namang sagot,
"ulol!!! kung kaya mo ito" tapos maghaharutan nanaman kami pero hanggang dun lang talaga
followers and sis! (sis, wag ka na magselos) madami pang fish jan.
moving on,sabi nya text nalang daw nya ako pag papunta na sya sa school!!!
dahil DIVA ako, nagpaganda ako ng bongga kasi may a-aurahan sa club launching.
8:30am usapan namin, wa-ers pa si 6*. kinabahan na ako at kinutuban na hindi sya dadating.
kasi till 12am kami magkatext baka nag dota pa after namin magtext. hindi na ako napakali
kaya tinext ko na si 6*.
tapos bigla nalang may humawak sa likod ko na dati nya nang ginagawa,
sabay sabing "bamba!!!" nung pag harap ko kay 6*
bigla nalang kumanta si regine velasquez ng
"Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo
'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka"
tapos, biglang nag double time ang sweat glands ko kasi he's hot talaga and me also!!!
6*: "tayo na sa chapel, mag mass tayo"
bamba: "papakasal na tayo"
6*: "ulol, hahahahaha! mag seselos si father"
bamba: "yaan mo sya, kunin nating ninang"
6*: "panay ka kautuan, lika na"
sabay kaming pumunta ni 6* sa chapel kasama ang officers ng LR.
nung andun na kami, biglang nawala ang officer ng LR, natira nalang kaming dalawa.
kaya ayun, dun kami sa KKK ng simbahan!!! at dalawa lang kami dun.
after ng mass, nabindisyunan na kaming dalawa.
may basbas na si father kaya ayun lumarga na kami ni 6* papunta magnificat.
madaming Diva ang nagpapansin kay 6* at the best of their effort pero
as the queen of all eksena di nila ako kinaya.
nagstart na ang hosting from 10am to 5pm. andun lang sya sa may sulok pinapanuod ako.
habang nag hohost ako, nagttext sya ng feedbacks and suggestions,
at lahat ng tinext nya sa akin ay ginawa ko.
sabi nya gumulong ako, gumulong ako!!! sabi nya mag vice ganda daw ako,
ginawa ko din. sa bawat pagtext nya sa akin, hit na hit ang mga ginagawa namin
ng co-host ko. natapos na ang hosting ko, nilapitan nya ako
6* : "galing mo bamba!(music to my ears), buti nalang pumunta ako! astig!"
bamba: "salamat din sa pagpunta! thank you talaga!"
6*: "wala yun, salamat din!kunin mo nalang flashdrive sa bahay"
bamba: "hay naku, hahahahha! kinuha mo talaga on purpose flash drive ko.
lasing ka tapos flash drive kukunin mo? whatever"
6*: "ulol, sige uwi na ako. text text nalang.
bamba: "sige, i heart you"
6*: "bugok"
ATE CHARO : pak!!! palong palo!!! at jan po natatapos ang kalandian
ng baklang si bamba!




very girl,
bamba fierce!!!

Monday, July 5, 2010

Magkaribal

1 comments
it is very unexpected, its even beyond words. basta, ang alam ko lang, "kung may alak may balak!"
tapos, it really happened! ganito kasi yun. una wala akong balak kumembot at ang trip ko lang ay magpakalasing.
second, lokohan lang naman namin ni ****** yun na kembutan
and third wala talaga akong balak dun kasi crush nga sya ng sister ko si "6*". oh well thats life. sorry sis!!!

nagbroadcast akong uminom sa aming apartment sa pink hilltop kasi
dalawa lang kami ni bryan dun at aalis din sya ng midnight.
so, naghanap lang talaga ako ng kasama pero syempre gusto ko lang ay all boys. wala lang!!! kalandian lang...
hay naku swear talaga hanggang landi lang dahil
nag VIGIL na kami ni CRAMBERRY last week, kaya ako sinipon.
after nag news patrol si bamba, ayun nagreply ang mga sunog baga, si cramberry at si 6*.
pero parang mas bet ko si 6* kaya dun ako nagreply.
so ayun, landian lang talaga!!!
 kasama ang mga friends nyang dalawa na magjowa.
so ang nasa lasingan portion lang ay AKO SI 6* at yung lalaki at babae na parang dumaan lang naki shot,
naglampungan at mga nakakalokang visual effects ng magjowa.
so after naka isang long neck na kami, nag fly na ang magjowa pero meron pang isang long neck na binasbasang ubusin.
wala akong nagawa kundi piliting ubusin ngunit tinulungan din ako ni 6* na naiwan
dahil kawawa naman daw ako at friends naman daw kami.
taray!!! hindi ko inisipan ng kalaswaan si 6*.
at alam ko naman ay basta!!! enough with the clue.
pagkatapos maubos ang pangalawang long neck na tunay naming inubos at hinamon ang aming liver
pareho kaming lusita valdez.
bagsak!!! umiikot ang aking paningin at nagspray naman ng fertilizer si 6* sa aming hardin.
after nun, kinuha nya ang aking kamay pinasok sa loob ng kanyang brief at
nahawakan ko ang matigas nyang upo. tapos ayun,
nagising na ako sa aking panaginip. akala ko totoo noon pala p*tang inang panaginip!!!
hay naku!!! kakalokang panaginip,
pinaglaway lang ako ng bonggang bongga!!! isang Palong palong panaginip!!!
pu*yeta!!! nakakainis!!! hay nako!!!
andami pa kasing drama sa panaginip... and guess who kung sino gumising sa akin!!!
ang nagiisang karibal ko kay 6* si sister!!! PAK!!!
hay naku ate charo, imbyerna ka!!

nag iisang
Bamba fierce!!!

Tuesday, June 29, 2010

MULAN

1 comments
una, gusto ko sanang i-blog about kikiam(my first love) pero biglang naalala ko yung super best friend ko of all time.
si reynan agowac gup-ay. isa din syang diva like me.
nag start ang aming friendship sa mens dorm ng Sobrang Lochia University.
nung una ko syang nakita, bigla akong nag pray.
sabi ko lord, salamat napakaganda kong nilalang.
dikit ang aking front teeth at makinis ang mukha.
si reynan kasi yung front teeth nya parang matter (anything that occupies space, very spacious) and ang face nya ay OVER!!!
kung baga sa PSP game over! kasi natalo ka na ng monster.
si reynan kapag nalulungkot ka titingnan mo lang sya ay sasaya ka na. hindi naman sya mukhang clown.
maganda lang talaga sya in her own way. so ayun,sa pagkikita palang namin na yun, i already knew she'll be my best friend. the divas best friend!!!
bagong lipat sya nun sa mens dorm at syempre bilang reyna ng mens dorm ako ang nag introduce sa kanya as MULAN.
yung isa kong diva friend, ang name nya naman ay Israel, ginawa kong BARANG ang name. kasi very halloween ang aura nya.
after mulans baptismal as diva of mens dorm, duon na kami nagblossom! kasabay ng panagbenga festival at kahit tapos na
ang flower festival patuloy pa din kaming nagblossom.
pharmacy sya at marketing naman ako kahit ganun ay araw araw pa rin kaming magkasama
at sa bandang huli magkasama kaming lumabas ng mens dorm kasama ang
magandang alaala ng mga lalaki duon.
lumipat na kami ni mulan sa brookside na kung saan gumawa kami ng bagong head quarters naming mga diva.
ang lower brookside ginawa naming upper pinkside. dun namin naexperience magmahal, masaktan, magtennis sa daan
napagtripan ng lasing, hinabol ng aso, nanghabol ng aso para gumanti, mang okray ng dumadaang mga beki
andami kong gustong ilagay dito dahil natuto kaming dalawa sa isa't isa. natutong maging divine diva!
hindi ako magiging si bamba kung hindi dahil kay mulan.
dumating na ang graduation and its time to fly.
nag appear si mulan na parang maligno sa graduation ko, kahit hindi pumunta ang dad ko okay lang basta andun si bading.
yung tingin ni mulan sa akin nung graduation parang sinasabi nya
"bamba , i'm so proud of you and i'll miss you"
pero nung lumapit sya sa akin, ang sabi nya lang "teh, san tayo kakain?"
after ng graduation, nag medicine si mulan at ako naman ay nag nursing!
nagbago na ang pangarap namin, dati kasi sabi nya, sya gagawa ng drugs, ako naman ang magbebenta...
so parang ginawa nya akong drug pusher. pero after graduation nagkikita pa din kami.
yung huling pagkikita namin sabi nya "bamba, ingat ka ha"
dumating ang hindi inaasahan. tumawag si karen, hindi sya diva pero beki sya. imagine!!! tinawagan ako ng babae!! bungga!!!
iba ang boses ng beki, nakakaloka!!!
tapos nung sinabi nya sa akin "wala na si reynan" ang una kong naramdaman ay nawala ang kalahati na aking buong pagkatao
nahati na si bamba... hindi hating aswang kung hindi hating diva.
ang aking best friend iniwan na ako. iniwan nya na ako. sumama na kay bro.
at ngayong nalalapit na birthday ng natatanging best friend ko, nais ko sanang magrequest kung sino man ang nagbabasa ng
blog na ito paki hug ang pinaka best friend nyo dahil malay nyo kamukha din ng best friend ko ang best friend nyo.
kamukhang magmamahal ng totoo and will bring out the diva in you.
kaya ate charo nais ko po sanang irequest na ang gumanap sa akin ay si kim chui,
si reynan naman po ay si madam auring.
Happy Birthday MULAN!!!

Lubos na Gumagalang
Bamba Fierce!!!

Sunday, June 27, 2010

Kramberry Juice

1 comments

nowadays, ang hirap nang i-identify kung sino bakla or hindi.

nakakaloka lang isipin, crush mo kahapon kumare mo na ngayon. bungga!
sa aking school ngayon (college of divas) naglipana kami.
pero syempre meron pa ding mga diva na ayaw pang sumali sa gabriela and ang ladlad partylist.
kaya kaunti lang kami kapag Gay Pride Parade dahil baka pagbabarilin lang sila ng mga tatay nilang sundalo. OOOppppsss!!!

pero hindi tungkol dyan ang aking kwento. its all about my first crush sa school of divas na nachurva ko na.
2nd year college kami nun ni kRAM. ang subject namin noon ay zoology.
grabe, pag nakikita ko si KRAM ay grabe nang magcontract ang aking kipay.
di na kailangan ng oxytocin para manganak dahil sulyap nya palang sa akin, 10cm na agad ang buka ng aking kipay.
english speaking pa ako nuon para eksena at mapansin agad. at syempre, instant celebrity ako agad sa College of Divas.
nung naging instant celebrity ako, unang naging friend ko si kram. syempre gusto ko din naman syang maging friend.
eh di ayun mega bonding kami ni kram... 6 students lang naman kami dun sa zoology.
ang bonding moment namin ay pag yoyosi at ang pinag uusapan namin ay mga babae. tama! babae ang aming pinag uusapan!
tiniis ko yun nang pagkahabang panahon para lang makasama ko sya at para magpatuloy ang contraction ng aking kipay.
everyday, same routine, same food, same topic pero everyday parang unti unting nagiging mahal ko na sya.
eh syempre 3 gurls, 1 diva and 2 boys. syempre, magkatabi kami sa class everyday! oh my gosh!
tapos eto na, ako lang naman gumagawa ng mga assignment nya,
tapos sa akin sya nangongopya and everything pero dedma pa din ako kasi nga
im beginning to love him na.
malapit nang matapos ang summer di ko pa din sya natitikman,
wala na akong nagawa kung hindi uminom nalang ng anti seizure dahil
sabi ni ederlina (my mom) "anak iba aura mo, aura of seizure"
ayun. pero sabi nga ng bakla naming kapit bahay na si aphrodite (bongga ng name pero kamukha naman ni hercules),
"makukuha mo din sya kung gusto nya talaga"
so syempre pursue pa din ako. so after almost 2 years to pursuit of happyness ayun!!!
bingo! hello farmville! PAK! na achieve na ang minimithi! natikman ko na si kram na lasang KRAMBERRY JUICE.
eh di ayun, sa metro dorm pa nangyari ang nakakalokang bunggaloo ni bamba fierce!
after nun ATE CHARO, patuloy nang may nangyayari sa amin.

MARAMING SALAMAT

LUBOS NA GUMAGALANG
Bamba Fierce

Thursday, June 24, 2010

Fierceness

0 comments
Simulan na ang paghahasik ng lagim!

Eto na!!! eto na!!! eto na!!! FIERCE!!! Pagkatapos ng pagkahabahabang pag iisip dito na ako mag mamagandang magsusumigaw ng aking damdamin!!! Dito ko na lantarang ihahayag ang aking buong saloobin!!! Dito na ako maglalabas ng stress sa buhay!!! Dito na ako macshare ng everything especially my sex and lovelife!!! Hahahahahahaha… maraming salamat sa blogspot!!! Sa aking engineering team spear headed by yow!!! monna darie my ever gorgeous yaya and also my younger brother garet pogi!!!

Hi!!! My name is Bamba Fierce!!! Way back when I was in high school, my friends call me Bamba short for “babaeng malanding bakla” di ko gets, pero bamba is a fierce name! so after mabindisyunan ang name ko na yun, dun na ako nagsimulang kumerengkeng!!! Una, kapag tinatawag nila ako on my real name wiz na akong lumilingon pero kapag ”Bamba” na ang tawag sa akin dun na ako a-aura sabay kembot split and cartwheel papunta sa tumawag sa akin then mega chika na!!! Fierce means powerful and aggressive! Kaya kapag pinagsama mo na Bamba Fierce equals “babaeng malanding bakla na powerful and aggressive!!! Oh di ba!!! Pak!!! Palong palo sa masa!!!

I’m welcoming you guys to my fierce world!!! Hello Philippines and hello bitch!!!

I love you all!!!

Xoxo,
Bamba Fierce 

Malapit na ang PAGLALADLAD.

0 comments
Humanda sa pagbubukas ng aking PINKY LAND.
Nireretoke pa kasi. Para FIERCE..

XOXO,
Bamba Fierce. :-*