Wednesday, August 4, 2010

flush flush

unang duty ko sa OR complex at sa OR kaming mga Diva
kaya inunahan ko na ang manok sa pagtilaok upang makarating agad sa syudad.
dun kami magkoconcert ever ng mga bekiness.
nag pahatid ako kay papang sa ramstar na kung saan mala airplane ang experience kapag dun ka sumakay.
6:30am palang ay nasa syudad na ako ng cabanatuan. lumipad ako agad sa hospital upang tumaas ang
XP level ko sa pagiging nurse. pagdating ko duon ay nag vovocalization na agad si dee dee at si dennis.
nagkita kita na din ang ibang mga Diva sa hospital at duon kami'y namayagpag.
di ko na pinansin ang ibang diva dahil ako naman ang queen of all Diva kaya dedma lang ako,
hinayaan ko na ding umeksena sila dahil wiz ko type umeksena sa OR complex. nag umpisa na ang forever orientation
by our EVER energetic Clinical instructor, none other than Sir Licup!!! bago sya mag umpisa ako'y
pumunta muna sa eternal place of my life, Ang Comfort Room. kumaripas ako ng pag rampa na may halong hampas pa rin
sa balakang para fierce. at last dumating na ako ng CR. ni-lock kong mabuti para secured ang pepet ko. pagkatapos
ilabas ang aromatic odor of urine ay binuksan ko na ang CR. pero parang may mali! bakit hindi ko mabuksan
ang pintuan palabas ng eternal place. dito na ba ako forever? dito na ba ako magdduty? sinubukan kong maging kalmado
upang walang eksena sa araw na ito ngunit ayaw pa ring bumukas. humiga na ako para maabot ang butas ng door knob.
nag exhibition na ako, wala pa ring nangyari. kumatok na din ako sa loob baka sakaling may makarinig sa labas.
wala pa din. merong dumating!!! akala ko may tutulong na! pero ayun, inutusan lang ako:

kalokang nurse: may tao ba dito?
bamba: yes mam!!! mam nakulong po ako, help mam!!
kalokang nurse: ay oh? pakipasok nalang yung timba pag nabuksan nalang yan!
bamba: ???!!!???

kakalokang nursing intervention!!! makilala ko lang yung babaeng yun! bibigyan ko sya ng gingko biloba!
after 15 minutes of being prisoner of kubeta. naisip kong gamitin ang Cellphone ko (dun palang gumana ang ginko biloba)
tinext ko ang kapatid ni timmy na si kimmy na nasa ICU. so ayun, dun palang dumating ang rescue team.
akala ko naman pag dumating na ang rescue team ay safe na ako.
dumating ang rescue team at sabay sabay silang tumawa.
di din kasi nila mabuksan sa labas.
may nagsabi pang dun nalang daw ako dumaan sa ceiling.
naging hopeless na ako. pero hindi sumuko si timmy!!! gusto nya akong maka-alis!
so eventually nabuksan nila at sabay sabay silang nag palakpakan sa
paglabas ni maganda sa kawayan na kubeta.
hanggang dito nalang po ate charo. but before i end this letter i would like to thank the following!
first, OR Complex sobrang bago nyo talaga!!!
sa babaeng nag papasok ng timba!!! sa susunod ikaw na ipapasok ko sa kubeta!
timmy, dahil hindi mo napasin ang absence ko for 15 mins
kimmy, buti nalang maaasahan ka jan
at ate charo sa pagiging masugid kong tagabasa!!!

fiercefully yours,
bamba fierce the toilet diva!

2 comments:

Ungaz said...

lavett!ur the new BANYO QUEEN!winner..hahaha

YOW said...

eto pala yung sinasabi ni kimmy sa kwento niya. hahaha. nakakatawa. kung ako andun, papalakpak din ako ng bongga. hahaha.

welcome back bamba! buhay ka pa pala. haha. nice.

Post a Comment