Friday, August 20, 2010

ang haligi ng tahanan.

1 comments
hello philippines!!! matagal tagal na din akong di nakakapag blog at dahil na pressure ulit ako kay ungaz na ginawang daily habit ang pagbblog na
nakakaloka... bongga ka neng!
well, biglang kong narealize na
may everyday stressor na pala ako... lol..  siguro na-immune nalang ako sa kanya... siya ay ang aking daddy.
nung batang diva pa lang ako, strict na sya., sya ang nagtuturo sa akin kung paanong maging tibo..
kasi nga militar and everything, tinuruan nya akong magbasketball at maging farming diva.
oo!!! nagtatanim ako nuon literal ng palay sa ikabubuhay ng pamilyang pilipino
after 20 years of service nagretire na si daddy sa pagiging philippine navy at duon ako natakot, kasi close monitoring na ako.
baka sumama sa mga booking ko, maagawan pa ako!
after his retirement, naramdaman kong parang nagretire na rin sya sa pagiging ama namin at asawa sa aking ina.
minsan nya nalang pinararamdam na ama namin sya sa pagbibigay ng datung!! lol.
unang revolution nya ay nambabae sya... syempre, nung nalaman ni mother E yun, ayun sinugod ang bitch at no one knows where she is right now!!!
gow mom!!! lol... then another burden to us is that, palaging sugal na ang inaatupag nya... pero pera nya naman yun...
si mommy lang nagpapaaral sa aming tatlo, at si daddy yung pera nya, sa manok nya at sa kanya lang... minsan iniisip ko na kapag kailangan
nya na ng tulong namin, idadala ko yung mga manok nya para mag BP sa kanya at mag regulate ng IV nya.. ewan nalang. goodluck sa manok nya.
gusto ko nga minsan ipachooks to go ang mga manok nya. at eto pa!!! hirap na hirap syang magbigay ng pera sa amin
pero pag gastos sa mga manok nya, ang bilis!!!
palagi nya akong sinasabihan ng tamad at magastos, oo inaamin ko yun pero sino mas magastos at tamad sa aming dalawa???
minsan gusto ko na syang kausapin because i am a hero pero minsan baka ma ultimo adios ako
baka bigla nalang akong barilin. hahahaha. buti nalang may blogspot... dito ko nailalagay ang mga saloobin ko..
mahirap on my mom and siblings part, kasi nakaprogram na palagi utak nya... bahay sabungan, bahay tongits... at eto pa, ayaw ipagamit ang car ko dahil
matakaw daw sa gasolina, pero sya pupunta lang ng sabungan naka kotse pa... power talaga!!!
dun nawala ang respeto ko sa tatay ko. wala na. kung baga, appear, disappear, one half, one fourth
pero sana someday biglang magdisappear appear ulit.. sana... Lord help us...
i'm just hoping ate charo na sana bigla nalang syang magbago, dahil walang may lakas ng loob sa amin na gawin ang nararapat.

Wednesday, August 4, 2010

flush flush

2 comments
unang duty ko sa OR complex at sa OR kaming mga Diva
kaya inunahan ko na ang manok sa pagtilaok upang makarating agad sa syudad.
dun kami magkoconcert ever ng mga bekiness.
nag pahatid ako kay papang sa ramstar na kung saan mala airplane ang experience kapag dun ka sumakay.
6:30am palang ay nasa syudad na ako ng cabanatuan. lumipad ako agad sa hospital upang tumaas ang
XP level ko sa pagiging nurse. pagdating ko duon ay nag vovocalization na agad si dee dee at si dennis.
nagkita kita na din ang ibang mga Diva sa hospital at duon kami'y namayagpag.
di ko na pinansin ang ibang diva dahil ako naman ang queen of all Diva kaya dedma lang ako,
hinayaan ko na ding umeksena sila dahil wiz ko type umeksena sa OR complex. nag umpisa na ang forever orientation
by our EVER energetic Clinical instructor, none other than Sir Licup!!! bago sya mag umpisa ako'y
pumunta muna sa eternal place of my life, Ang Comfort Room. kumaripas ako ng pag rampa na may halong hampas pa rin
sa balakang para fierce. at last dumating na ako ng CR. ni-lock kong mabuti para secured ang pepet ko. pagkatapos
ilabas ang aromatic odor of urine ay binuksan ko na ang CR. pero parang may mali! bakit hindi ko mabuksan
ang pintuan palabas ng eternal place. dito na ba ako forever? dito na ba ako magdduty? sinubukan kong maging kalmado
upang walang eksena sa araw na ito ngunit ayaw pa ring bumukas. humiga na ako para maabot ang butas ng door knob.
nag exhibition na ako, wala pa ring nangyari. kumatok na din ako sa loob baka sakaling may makarinig sa labas.
wala pa din. merong dumating!!! akala ko may tutulong na! pero ayun, inutusan lang ako:

kalokang nurse: may tao ba dito?
bamba: yes mam!!! mam nakulong po ako, help mam!!
kalokang nurse: ay oh? pakipasok nalang yung timba pag nabuksan nalang yan!
bamba: ???!!!???

kakalokang nursing intervention!!! makilala ko lang yung babaeng yun! bibigyan ko sya ng gingko biloba!
after 15 minutes of being prisoner of kubeta. naisip kong gamitin ang Cellphone ko (dun palang gumana ang ginko biloba)
tinext ko ang kapatid ni timmy na si kimmy na nasa ICU. so ayun, dun palang dumating ang rescue team.
akala ko naman pag dumating na ang rescue team ay safe na ako.
dumating ang rescue team at sabay sabay silang tumawa.
di din kasi nila mabuksan sa labas.
may nagsabi pang dun nalang daw ako dumaan sa ceiling.
naging hopeless na ako. pero hindi sumuko si timmy!!! gusto nya akong maka-alis!
so eventually nabuksan nila at sabay sabay silang nag palakpakan sa
paglabas ni maganda sa kawayan na kubeta.
hanggang dito nalang po ate charo. but before i end this letter i would like to thank the following!
first, OR Complex sobrang bago nyo talaga!!!
sa babaeng nag papasok ng timba!!! sa susunod ikaw na ipapasok ko sa kubeta!
timmy, dahil hindi mo napasin ang absence ko for 15 mins
kimmy, buti nalang maaasahan ka jan
at ate charo sa pagiging masugid kong tagabasa!!!

fiercefully yours,
bamba fierce the toilet diva!